Home News National 17-anyos patay sa coronavirus

17-anyos patay sa coronavirus

319
0
SHARE

Isang teenager na maayos ang kalusugan ang bumigay ang katawan matapos tamaan ng coronavirus.

Base sa report, edad 17 ang nasawing teenager, hindi naman isinapubliko ang kasarian at ilan pang detalye ukol sa nasabing pasyente.

Ang nasabing ulat ay kinumpirma ni Los Angeles Mayor Eric Garcetti, at nanawagan sa kanilang kabataan na maging maingat dahil napatunayan na walang pinipiling edad ang nasabing virus.

Loading…

“To the young people that are out there — this can hit you too. Know that your behavior can save a life, and can take a life. And that life could be yours,” saad ng LA mayor.

Dati nang napaulat ng Centers for Disease Control and Prevention sa Amerika na ang mga kabataan ay madalas magkaroon lamang ng mild symptom ng COVID-19, at kadalasang hindi nagreresulta para maospital o sa kamatayan.

Sa China naman, tanging dalawang kaso lang ng mga minor ang namatay sa nasabing disease, isa dito ay isang sanggol na may komplikasyon.

Comments

comments

Loading...

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here