Home News National Alamin ang detalye “Emergency Power”na inaproba ng Senado at Kongreso sa Pangulong...

Alamin ang detalye “Emergency Power”na inaproba ng Senado at Kongreso sa Pangulong Duterte

290
0
SHARE

Sa botong 12-0, inaprubahan ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang isang panukala na magbibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ng dagdag na kapangyarihan para pigilin ang pagkalat ng COVID-19 at tugunan ang epekto nito sa bansa.

Inapruba ng mga senador ang Senate Bill No. 1418 o Bayanihan to Heal as One Act na maglalagay din sa buong bansa sa ilalim ng national emergency dahil sa COVID-19 outbreak.

Sa special session noong Lunes na nagtapos na kaagahan ng Martes, Marso 24, ilang beses sinuspinde ng Senado ang sesyon para talakayin ang ilang pag-amyenda sa nasabing panukala.

Kabilang dito ang tulong na ibibigay sa mga health worker na maaaring maapektuhan ng coronavirus disease, gayundin ang pagbibigay ng tulong-pinansiyal sa mga namatay sa nasabing virus.

Ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang direktang magpapasan ng gastos sa lahat ng medical expenses ng lahat ng public at private health workers sa oras na mahawaan sila ng COVID-19.

Loading…

Sa Kamara, inaprubahan na ang counterpart bill, Martes ng madaling araw, sa botong 284 affirmative votes, 9 negative votes at walang abstention.

Sa ilalim ng Senate Bill 1418 na pinakilala nina Senate President Vicente Sotto III at Senadora Pia Cayetano, binibigyan nito ng kapangyarihan si Duterte na mag-realign ng pondo ng gobyerno ngayong nahaharap ang bansa sa isang health emergency.

Sabi ni Cayetano, maari ring mag-reallocate ang Pangulo ng P175 bilyong cash mula sa iba’t ibang sa government-owned or controlled corporations.

Pwede ring kunin ang P100 bilyong pondo mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na gagamiting pangsuporta sa mga programa laban sa health at economic threats ng nasabing sakit.

Mananatili namang intact ang P4.2 trilyong spending program ng gobyerno sa taong 2020.

Nakasaad din sa panukala na tatanggap ang mga mahihirap na pamilyang Pinoy na P5,000 hanggang P8,000 kada buwan sa loob ng dalawang buwan mula sa national government at local government program.

Loading…

Maaring cash ito o pagkain, sabi ni Cayetano.

Sa pag-take over naman ng mga utility at business, nakasaad sa Senate version na dapat may kondisyon na inilatag sakaling kontrolin ito ng pangulo.

Maaring gamitin ang mga pasilidad na ito bilang temporary housing para sa mga health worker, quarantine area o lokasyon para sa aid distribution.

Ang mga transportation facility naman ay puwedeng gamitin para sa pagsakay ng mga health, emergency at frontline personnel.

Comments

comments

Loading...

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here