Home Entertainment Alamin: Jinkee Pacquiao, mamimigay ng P100K cash sa YouTube subscribers

Alamin: Jinkee Pacquiao, mamimigay ng P100K cash sa YouTube subscribers

206
0
SHARE

Hashtag road to 1 million subscribers na ang YouTube channel ni Jinkee Pacquiao!

Dahil dito, reregaluhan ng misis ni Sen. Manny Pacquiao ng P100,000 cash ang kanyang subscribers, at magiging subscribers pa, bilang pasasalamat.

“I am giving away P100,000 to be used for groceries or back-to-school money for your kids,” sabi ni Jinkee sa Instagram nitong Martes.

Inilatag din niya sa post kung paano magkakakuha ng chance na mapasama sa giveaway, ngunit hindi niya sinabi kung ilan ang mabibiyayaan nito.

Inanyayahan niya ang mga interesado na mag-abang lang ng mga susunod pang detalye.

Sa ngayon ay mayroon ng kalahating milyong subscribers ang YouTube channel ni Jinkee na sinimulan noong October 2019.

Karaniwang laman ng kanyang vlogs ay bonding moments ng Pacquiao family, kanyang beauty secrets, at mga house tour na umaabot sa milyong views.

Narito ang ilan sa most viewed videos sa channel ni Jinkee:

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here