Home News National Arestado! Hepe at Pulis Major sa kasong pangingikil ng operator ng fishing...

Arestado! Hepe at Pulis Major sa kasong pangingikil ng operator ng fishing vessel

366
0
SHARE

Nanawagan ang Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group sa mga fishing operators na isumbong ang pangingikil ng mga Maritime Police.

Ito’y matapos na maaresto ang hepe ng Maritime Police sa Masbate at isa sa kanyang mga tauhan sa kasong robbery extortion.

Kinilala ni PNP-IMEG Director Police Brig. Gen. Ronald Lee ang mga suspek na sina: Police Maj. John Murray Cutaran, Chief ng 502nd Maritime Police Station sa Masbate City at si PSSg. Rommel Naval.

Naaresto ang dalawa sa entrapment operation kahapon sa loob mismo ng kanilang tanggapan sa Pier Site, Barangay Bapor, Masbate.

Huli sa akto ang mga suspek na tumanggap ng P200,000 sa operator ng fishing vessel na na-impound dahil umano sa iligal na pangingisda.

Nasa P400,000 umano ang unang hinihingi ng grupo ni Cutaran mula sa may-ari ng barko para i-release ang barko at ang crew nito.

Dalawa pang kasabwat umano ng mga suspek na kinilalang sina Police Lt. Melencio Huela at PSSg. Ronald Puerto ang pinaghahanap sa ngayon.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here