Home News National Bansag na balimbing at magulo, pinalagan ni Senador Lacson

Bansag na balimbing at magulo, pinalagan ni Senador Lacson

322
0
SHARE

Pumalag si Senador Panfilo Lacson sa bansag sa kanya ng ilan na ‘balimbing’.

Ito ay sa gitna na rin ng pagpapahayag niya ng opinyon sa mga key issues ng bansa, na minsan ay pabor, o taliwas sa kasalukuyang administrasyon.

Sa pinakabagong pahayag ng senador, pinaabot nito ang pagkakadismaya sa reaksyon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa insidente ng banggaan ng mga sasakyang pandagat sa Recto Bank.

Loading…

Giit ni Lacson, unfair o hindi patas na bansagan siyang balimbing, o magulo ang posisyon.

Pinaninindigan at pinapahayag lamang aniya ng senador ang pinaniniwalaan niyang tama.

Sinabi pa nitong maling paraan ng pag-iisip na papabor ka sa lahat ng posisyon ng isang partisan group kapag sumang-ayon ka minsan sa kanilang posisyon, at nagiging mali ka naman kapag taliwas sa posisyon nila ang pinaninindigan mo.

Radyo Pilipinas

Comments

comments

Loading...

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here