Home Entertainment Catriona Gray pinatutunton sa NBI ang nagkalat ng kaniyang hubad na larawan...

Catriona Gray pinatutunton sa NBI ang nagkalat ng kaniyang hubad na larawan daw?

401
0
SHARE

Matapos kumalat ang mga larawan ng babaeng nakahubad na sinasabing si Miss Universe 2018 Catriona Gray, ‘di nagatubiling dumulog ang team ni Cat sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Maynila upang mahuli na ang nagpakalat sa social media ng kanyang pekeng malaswang larawan.

Personal na nagpunta sina Catriona kasama ang kaniyang mga abogado sa NBI upang sa gayo’y ma-ireklamo niya ang taong salarin ng pagpapakalat ng sinsabing maselang larawan niya sa social media. 

Kampo Ni Catriona, Inalmahan Ang Sinasabing Hubad Niyang Larawan, Salarin Sa Pagpapakalat Nito Sa Social Media Sino Nga Ba? 2

Matatandaan na sinabi ng team ni Miss Catriona na hindi totoo ang kanyang malaswang topless photo at sinasabi ngang ito ay “digitally-altered” lang.

Ang tugon ng NBI

Buong loob na hinarap ng dating Miss universe ang NBI deputy director na si Vicente De Guzman upang maidetalye nito ang pinag-ugatan ng kaniyang hinaing.

Kampo Ni Catriona, Inalmahan Ang Sinasabing Hubad Niyang Larawan, Salarin Sa Pagpapakalat Nito Sa Social Media Sino Nga Ba? 3

Ayon nga sa kanyang abogado na si Christopher Liquigan, si Catriona ay lubos na nalungkot at nasaktan sa mga pambabatikos sa kanya ng mga netizens ukol sa kanyang pekeng litrato.

‘Halata namang hindi siya’

Aniya hindi siya talaga ang nasa larawan dahil ang post ay ‘di kaaya-aya at halatang pineke lamang. 

Online Digest

Ang NBI ay nangakong gagawin ang lahat para mahuli at mapanagot na ang taong pinagmulan ng larawang anila’y nais lamang na sirain ang pagkakakilala ng tao sa beauty queen. 

Naatasang humawak ng kaso’t reklamo ni Catriona Gray ang NBI Anti-Cybercrime Division.

Source: ABS-CBN News

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here