Home News National Duterte hindi na makatulog kay ‘Bikoy’ – Trillanes

Duterte hindi na makatulog kay ‘Bikoy’ – Trillanes

286
0
SHARE

Base umano sa nakikita niya, parang kaduda-duda ang matinding nerbiyos ni Pangulong Rodrigo Duterte at baka may katotohanan ang mga alegasyon ni “Bikoy”, ayon kay Senador Antonio Trillanes IV

Dagdag pa niya, kung may katotohanan ang mga alegasyon, posible umanong nahihirapan na ring makatulog ang Pangulo.

“Kung totoo ‘yung Bikoy allegations, matinding nerbiyos na ang inaabot ni Duterte. Believe me, baka ‘di na makatulog nang maayos ‘yan,” ani Trillanes sa panayam sa DWIZ.

Loading…

“Based on what I am seeing, yung reaction nila Duterte parang kaduda-duda. Lalo akong nacu-curious baka may katotohanan ang sinasabi kasi kung nerbyosin sila,” dagdag pa niya.

Ito ang reaksiyon ni Trillanes matapos madakip ng National Bureau of Investigation si Rodel Jayme, ang lumikha ng metrobalita.net na nag-publish ng mga “Bikoy” video.

Ang mga “Bikoy” video ang nag-uugnay kina presidential son Paolo Duterte, dating SAP Bong Go at presidential daughter Kitty sa illegal drug trade.

Comments

comments

Loading...

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here