Home News National GABRIELA PARTYLIST REP. BROSAS DINAPUAN NG COVID-19

GABRIELA PARTYLIST REP. BROSAS DINAPUAN NG COVID-19

32
0

Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas.

Ito ang inanunsyo ni House Secretary General Jose Luis Montales sa mga miyembro ng media.

Sa tala, si Brosas na ang ika-10 miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na tinamaan ng nakamamatay na virus.

Sa pinakahuling datos, nasa 15 mga kaso pa ng COVID-19 sa kamara ang itinuturing na active cases.

Nauna rito, nasawi dahil sa COVID-19 sina Senior Citizen Party-list Representative Francisco Datol Jr., at Sorsogon Congresswoman Ditas Ramos.

Samantala, dahil dito, nagpaalala ang liderato ng kamara na ipagpatuloy ang ipanatutupad na pag-iingat kontra COVID-19

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here