Home News Korina Sanchez may warning sa mga Kongresista na hindi boboto pabor sa...

Korina Sanchez may warning sa mga Kongresista na hindi boboto pabor sa Prankisa ng ABS-CBN

428
0

Sa kanyang social media post nitong Hulyo 7 ay tila nagbabala si Korina Sanchez sa mga congressmen na hindi boboto pabor sa Kapamilya network.

Ayon sa beteranang mamamahayag, walang napatunayan ang mga mambabatas na may mga ilabag na batas ang ABS-CBN. Dagdag pa ni Sanchez, wala rin naman daw perpektong kumpanya.

“Wala mang mapatunayang violations, nagpapakumbaba ang pamunuan ng network at umaamin na wala namang kumpanya na perpekto. Wala. At bukas ang network sa pagtutuwid ng hindi perpekto. Lalo naman na hindi perpekto ang mga kongresista. Kung walang mapatunayang violations, at nagpapakumbaba parin ang network executives, ipagkakait parin ang franchise renewal at isasarado parin ang ABSCBN? Di kaya sila kidlatin ng langit?” boladas ni Sanchez.

Sa isa pang hiwalay na Instagram post, sinabi ni Korina na binabastos ng ilang miyembro ng kongreso ang ABS-CBN at ipinagmalaki pa ang mga parangal na nakuha ng istasyon.

Lawmakers confident of votes to renew ABS-CBN franchise

“Sino ba yung nagsasabing walang ginawang tama ang ABSCBN? And that because of imperfections, and not even proven violations, it needs to be shut down? After 65 Years of broadcast excellence? Am looking at just a few of the awards received by TV Patrol and Rated K, from both here and abroad. Modesty aside, there is a room full of trophies for just these 2 ABSCBN shows. Parang nakakalimutan yata ito. Kung napakaraming parangal mula sa pinaka-prestihyosong mga organisasyon ang network, hindi nga ba’t patunay yan na In The Service of the Filipino ang pinaghirapan naming lahat na gawin?

What huge infraction did ABSCBN commit to merit such bullying and torture and disrespect from some of the Lower House Committe members? Anyway, hindi naman siguro krimen nanaman ang magtanong lang. Ewan ko ba.💚❤️💙” patutsada pa ni Sanchez.

Ang Kapamilya network ay nahaharap ngayon sa krisis kaugnay sa kanilang prangkisa. Ilang hearings na sa kongreso ang nakalipas kung saan tinalakay ang mga isyu bumabalot sa ABS-CBN.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here