Home Entertainment Kris kay Willie: Hinihintay kita kaya hindi ako nagpapaligaw sa iba

Kris kay Willie: Hinihintay kita kaya hindi ako nagpapaligaw sa iba

240
0
SHARE

“HINIHINTAY kita kaya hindi ako nagpapaligaw!” Ito ang panunukso ni Kris Aquino kay Willie Revillame nang magkausap sila on national TV.

Tawang-tawa ang TV host-comedian nang magkachikahan sila ng Queen of All Media sa nakaraang episode ng Wowowin.

Personal na tinawagan ni Willie si Kris sa segment ng programa na “Willie of Fortune” kung saan may isa silang contestant na impersonator ng TV host-actress.

Pero nakalimutang sabihin ng komedyante kay Kris na naka-loud speaker ang kanilang pag-uusap kaya dinig na dinig sila ng Wowowin audience.

Kaya naman naloka ang mommy nina Joshua at Bimby kay Willie, “Alam mo, I almost said, hinihintay kita kaya hindi ako nagpapaligaw sa iba because ikaw lang ang tanggap ng dalawang anak ko.

“Sabi nila, ‘Si Tito Willie will like you Mama not because of your money because he’s richer than us.’

“Sure akong merong mamahalin si Kuya Josh. So, wag na natin patagalin. Kung liligawan mo ako, June 4 sasagutin na kita. ‘Yun ang birthday gift k okay Kuya Josh.

“Matutupad na ang pangarap niya na si Willie Revillame naging stepfather niya,” tawa pa nang tawang panunukso ni Kris kay Willie.

Loading…

Samantala, pinuri naman ni Kris ang kanyang impersonator na si Krissie Achino (Chino Liu) nang magkausap sila via phone patch.

Chika ni Kris, “It’s hard to get the voice correctly and you kinda got it.

“I’m very impressed because you have the intonation correctly and actually even the accent, it’s correct,” papuri pa sa kanya ni Tetay.

Comments

comments

Loading...

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here