Home News National Look!. Mayor Sara Duterte sa may sintomas ng COVID-19: Tumawag sa operations...

Look!. Mayor Sara Duterte sa may sintomas ng COVID-19: Tumawag sa operations center

428
0
SHARE

Inaasahan na ni Davao City Mayor Sara Duterte na dadami ang bilang ng persons under investigation (PUIs) at persons under monittoring (PUMs) o magiging positibo sa coronavirus disease (COVID-19), kaya naghahanda na ang lungsod upang tugunan ang sitwasyon.

Ayon kay Mayor Sara, ito ang dahilan ng pagtatag ng 24/7 operations center, kung saan makakakuha ng tamang impormasyon ang publiko at vice versa.

Ipinaliwanag ng alkalde, dahil sa kasalukuyang sitwasyon ngayon sa Metro Manila, kung saan lahat sa kanila ay ikinokonsiderang PUM, at maraming mga bumibiyahe at umuuwi sa bansa mula sa infected countries, hindi malayong may maraming magpositibo sa lungsod.

Loading…

Kaya hinimok ni Mayor Sara ang lahat na nakakaranas ng alin man sa mga sintomas na ito, tulad ng sipon, ubo, lagnat, diarrhea, at sore throat, agad mag-text sa operation center kalakip ng kanilang mga personal na impormasyon, upang maalalayan at mabigyan ng tamang gabay.

Hiniling ng alkalde ang kooperasyon at tulong ng publiko upang maiwasan na may magkasakit, dahil hindi aniya kakayanin ng pasilidad ng lungsod kapag lumala ang kaso ng COVID-19.

Sa panayam sa kanya ng Disaster Radio, kagabi, nasa pito ang PUIs, ngunit dalawa dito ay nakatakda ng palabasin.

Sa inilabas naman na resolusyon ng Inter-Agency Task Force COVID-19, para sa lungsod, kung may isang kaso ng COVID-19 sa isang barangay agad itong isasailalim sa barangay quarantine, at kung may naitalang dalawang kaso sa magkakaibang barangay ipatutupad ang community quarantine.

Kanyang sinabi, na kasalukuyan ng ginagawa ang guidelines na magiging laman ng Executive Order, na nakatakdang ilabas ilang araw mula ngayon at dito ibabatay kung magdedeklara ang siyudad ng citywide community quarantine

Source: RPI

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here