Home News National LRT Line 2 East Extension Project, Final Phase na!; 3 oras na...

LRT Line 2 East Extension Project, Final Phase na!; 3 oras na biyahe ay magiging 40 minuto na lang

427
0
SHARE

Mula sa tatlong oras na biyahe sa bus o jeepney, magiging 40 minutes na lang ang commute mula Antipolo, Rizal patungong Recto, Maynila oras na matapos ang rail line extension.

Hudyat ng pagsisimula ng final phase ng proyekto ang ceremonial track laying at installation ng electromechanical system (EMS), na isinagawa sa LRT Line 2 Emerald Station sa Marikina ngayong araw, ika-16 ng Abril 2019.

Ang EMS ay binubuo ng signaling system, overhead catenary system, telecommunications system, power supply at distribution system, na gagamitin sa dalawang bagong istasyon ng LRT Line 2 – ang Emerald Station sa Marikina at Masinag Station sa Antipolo.

Kasalukuyan nang nasa 60% completion rate ang kabuuan ng proyekto at inaasahang matatapos sa huling bahagi ng taong 2020 upang makapagbigay ng maayos at mas mabilis na biyahe sa mga commuter ng eastern Metro Manila.

Loading…

To give the Filipinos a comfortable life as President Rodrigo Duterte directed, we at the DOTr are working on ways to efficiently and effectively ferry our commuters. The LRT2 East Extension project ranks among such projects, for this shall ease the travel of our kababayans coming from Rizal to Manila. Once this is completed, travel time from Recto to Masinag will be reduced to 40 minutes compared to up to three hours travel via bus or jeepney,” pahayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

Source: Dotr

Comments

comments

Loading...

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here