Home News National Mahigpit na Quarantine Protocols, ipapatupad sa ilang lugar matapos ang July 15

Mahigpit na Quarantine Protocols, ipapatupad sa ilang lugar matapos ang July 15

99
0
SHARE

Ilang mga lugar ang inaasahang isasailalim sa mas mahigpit na quarantine protocol pagkatapos ng July 15.

Ito ang inanunsiyo ni National Task Force on COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez sa gitna ng aniya’y tumataas na kaso ng severe at critical COVID cases.

Bukod dito ayon kay Galvez ay mayroon na rin silang mga pagamutang nakita dito sa National Capital Region na sadyang napupuno na rin.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Department of Health (DOH) Undersecretary Bong Vega na naka-monitor sila sa mga pagamutan dito sa Metro Manila ganundin sa Cebu at ito’y sa gitna na din aniya ng
pagdami ng severe at moderate patients na nagpapa-admit.

Sa kanyang panig ay sinabi naman ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na hindi maaaring magluwag dito sa Metro Manila.

Iaanunsiyo ani Roque sa Miyerkules ng Pangulong Duterte ang mga lugar na dapat magpatupad ng mas mahigpit at luluwagang quarantine protocol

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here