Home OFW OFW Jobs: Guam, naghahanap ng Pinoy workers sa construction sector

OFW Jobs: Guam, naghahanap ng Pinoy workers sa construction sector

153
0

Nangangailangan ng dagdag na manggagawang Pinoy para sa construction projects sa Guam, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ng DOLE na patuloy na nakatatanggap ang Philippine Overseas Labor Office sa Los Angeles (POLO-LA) ng job order at employment contract verification request mula sa accredited employers ng construction sector sa Guam.

Batay kay Assistant Labor Attaché Armi Peña, bukas ang mga nasabing oportunidad sa skilled at semi-skilled Filipino workers.

Ipinaabot din sa POLO-LA ni David Dell’Solla, labor director ng Guam, ang hangarin ng contractors na kumuha ng mas maraming Pinoy para sa constrution at maintenance job categories.

Dagdag ni Dell’Solla, tatanggapin ang OFWs sa ilalim ng H2 visa.

Nangangailangan ng tauhang Pinoy ang Northern Construction na may 27 job orders); 5M Construction Corp., 24 job orders, 11 carpenters, 12 cement masons, 1 heavy equipment operator; at BME and Sons, Inc. na may 10 job orders para sa carpenters.

Kinumpirma at inaprubahan din ng POLO-LA ang 27 job orders ng Northern Construction, na may pitong Master Employment Contracts, para sa tatlong heavy equipment operators, tatlong HVAC and refrigerator mechanics, walong carpenters, siyam na cement masons, dalawang metal sheet workers, isang mechanical engineer, at isang civil engineer.

Nagbabalak din ang Architectural Painting Services, LLC, na kumuha ng 50 pintor, kung saan magiging katuwang nito ang Venture Management Systems International Corporation bilang Philippine counterpart recruitment agency (PRA).

Umaasa rin ang Contrack Watts Inc. na makahanap ng limang reinforcing metal workers, apat na heavy equipment operators, at apat na pipe fitters, sa tulong ng Global Manpower na PRA nito.

Tiniyak naman ng POLO na nagsagawa ng masusing background check upang alamin ang track record ng mga aplikante at pamantayan sa pagkuha ng foreign workers.

Narito ang ilang mga pwedeng applayan sa Guam. Click the link

Guam Hiring: 20 Plumber For Core Tech Construction

Guam Hiring: 20 HVAC For Core Tech Construction

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here