Home News National Pagsusuot ng face shield, posibleng gawing mandatory ng IATF

Pagsusuot ng face shield, posibleng gawing mandatory ng IATF

5
0
SHARE

Balak umanong i-require ng pamahalaan ang publiko na magsuot ng face shields bilang dagdag na precautionary measure laban sa COVID-19.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, pina-aaralan pa ng inter-agency task force (IATF) na gawing requirement ang face shields pag lumalabas ng bahay ang mga Pilipino.

Kaya naman nilinaw ng kalihim na hindi pa ito required sa ngayon at ine-encourage pa lamang ang publiko na magsuot nito taliwas sa naunang pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque na requirement na ang face shields sa mga lugar na isasailalim sa general community quarantine simula bukas.

Sinabi ni Lopez na ang pagsusuot ng face shields ay hiwalay pa sa mandatory na pagsusuot ng face masks pag nasa matataong lugar.

Samantala gagawing mandatory ang Pagsusuot ng face shields ng mga commuter sabi ng rekomendasyon ng Kamara

Source: UNTV, Brigada News

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here