Home News National Paninda ni Lola, binigay na LIBRE sa mga apektadong kapitbahay

Paninda ni Lola, binigay na LIBRE sa mga apektadong kapitbahay

291
0
SHARE

Kahit naka-home quarantine bunsod ng enhanced community quarantine, tuloy pa rin sa pagtulong ang isang 70-taong-gulang na babae sa mga nangangailangan.

Sa mga larawang ibinahagi ni Marites Edroso, makikitang ibinibigay ng kaniyang lola na si Evelina Torres sa mga kapitbahay ang isang supot na may lamang biskwit at kape.

Nagmula raw ang mga pagkain sa tindahan mismo ni Lola Evelina.

Loading…

Ayon kay Marites, wala raw silang natatanggap na relief goods sa kanilang lugar kaya naisipan ng good samaritan na magkawang-gawa.

Naawa raw si Lola Evelina sa ilang kapitbahay at suki sa sari-sari store dahil karamihan sa mga ito ay construction worker at namamasada ng pampublikong sasakyan na natigil ang trabaho.

Aniya, kinahapunan daw nang makakuha sila ng bigas at mga delatang pagkain mula sa lokal na gobyerno.

Sarado raw ang tindahan ng matanda simula noong Huwebes bilang proteksyon na rin sa nakakahawang COVID-19.

Hangad ni Marites na magsilbing inspirasyon sa publiko ang pagmamalasakit ng lola niya sa ibang tao lalo na at may kinakaharap na krisis ang bansa.

Umani ng 6,500 likes at 9,000 shares sa social media ang naturang post.

(PHOTOS COURTESY OF MARITES EDROSO)

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here