Home News PANOORIN ang PALIWANAG ng isang Pinay OFW sa Saudi Minamanyak ng Amo...

PANOORIN ang PALIWANAG ng isang Pinay OFW sa Saudi Minamanyak ng Amo kung bakit nakangiti siya sa video

2684
0
SHARE

Isang OFW ang minamanyak ng kanyang amo sa Saudi, nanghihingi ng tulong ang OFW kay Sir. Raffy Tulfo upang maka-uwi na ito dito sa Pinas.

Hindi na bago sa atin ang mga kuwento ng kababaihang naaabuso: pisikal man o seksuwal. Ang ilan sa kanila’y mga asawa, anak, o kamaganak ng nananamantala. Ang iba nama’y mga katulong na nagtatrabaho sa ibang lugar o bansa, na naaabuso ng sarili nilang mga amo.

Sa video na ipinost ng Facebook page na Isko Moreno News And Updates, makikita ang isang babaeng nagpupunas ng faucet. Ilang sandali pa ang lumipas at dumating ang lalaking kapatid umano ng kanyang amo. Makikita sa video ang paghawak ng lalaki sa dibdib ng katulong.

Maya-maya pa, muling lumapit ang lalaki sa katulong at niyapos niya ito saka hinalikan sa pisngi. Hinawakan pa niya ito sa baywang at pilit na niyayakap muli.

Ngunit, sa bawat galaw ng lalaki ay tila sumisilay rin ang ngiti sa mukha ng babaeng katulong.

Sabi ng ilang netizen na nagkomento sa video, tila nais din daw ng babae ang mga ginagawang pag-manyak ng lalaki sa kanya.

Komento ng isang netizen, “Malandi ka miss hinde mo ba naalala sa sabi ng owwa bago palang tau paalisin my seminar ky walang rispito ang manga ebang lahi sa manga pinay kc ganyan.”

Sa kabila ng mga negatibong komento, ipinagtanggol pa rin ng ibang netizens ang Pilipina.

Sabi nila, kaya lang daw niya ginawa ito ay upang hindi mahalatang natatakot siya at para na rin daw hindi siya mapahamak.

Dagdag pa ng isang netizen, “Kaya nga ginawa nya yan para may ebidensya sya na pinagsasamantalahan sya.”

Sa isang video namang ipinost din ng nasabing FB page, mapapanood ang video ng pinay na nagpapaliwanag kung bakit siya nakangiti sa naunang video.

Hindi raw totoo ang ngiti niya sa video. Hindi raw intensyon ng katulong na ibigay ang kanyang katawan sa kapatid ng kanyang amo.

Sabi ng babae, “Ginawa ko lang po ‘yon dahil ayaw kong mapahamak sa kamay niya.”

Nais na rin daw ng Pilipina na makauwi dahil nahihirapan na siya roon. May pamilya raw siya sa Pilipinas na umaasa sa kanya.

Sa dulong bahagi ng video ay nananawagan siya kay Raffy Tulfo na siya ay matulungan.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here