Home News National Panoorin: Dahil Hindi Nagpautang Ng Alak, May-ari Ng Tindahan Sinugod Ng Mga...

Panoorin: Dahil Hindi Nagpautang Ng Alak, May-ari Ng Tindahan Sinugod Ng Mga Kalalakihang Lasing

512
0
SHARE

Viral ngayon sa social media ang kaguluhan sa harap ng gate ng isang sari-sari store ng sugurin umano ng grupo ng mga kalalakihan ang may-ari. Ito ay dahil umano sa hindi sila nito pinautang ng alak.

Makikita sa video na ilang kalalakihan na walang suot na damit ang nag aamok sa harap ng gate. Nais nilang pumasok sa loob at sugurin ang di na nakita sa video na kaaway. Sa harap ng nakabukas na gate nakatayo ang isang babae na pilit pumipigil sa pagsugod ng mga ito. Galit na galit ang babae dahil lasing umano ang mga lalaking nag aamok.

Damay pa pati ang isang plastic na upuan na nagka sira-sira dahil sa pagbalibag dito. Isa mga kalalakihan ang agresibo sa pagsugod sa di na nakita pang kaaway. Galit na galit ito at hindi matigil sa pagmumura at pagsisigaw.

Loading…

Maririnig rin sa video ang isang lalaki na tinatawag sa pangalang “Ryan”. Base sa babaeng nakaharang sa gate, hindi naman ito kasali talaga sa away ngunit nakikisali sa panunugod. Katwiran naman ng “Ryan” kaibigan niya ang lalaking agresibo kung kaya kadamay din siya sa gulo.

Matapos ang ilang minuto, pilit na kumakalma ang babae. Sinusubukan niyang kausapin ng mahinahon ang mga kalalakihan at nakikiusap na pag usapan ang ano mang hindi pagkakaintindihan sa mahinahon na paraan. Subalit tila bingi at nilamon na ng galit ang mga ito kung kaya ayaw magpapigil.

Source: Viral & Trending Samot Sari

Comments

comments

Loading...

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here