Home Tulfo Raffy in Action PANOORIN: Isang Beauty Queen, Inirereklamo Dahil Sa Pagiging Kabit Umano Ng Isang...

PANOORIN: Isang Beauty Queen, Inirereklamo Dahil Sa Pagiging Kabit Umano Ng Isang Politiko

618
0
SHARE

Marami ang nagulat nang ireklamo sa programa ni Raffy Tulfo ang Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel na isa umanong kabit ng isang pulitiko.

Lumapit kay Tulfo si Mylene Mangudadatu, 32, upang ireklamo ang kalaguyo umano ng kanyang mister na si Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu. Ang itinuturo niyang kabit umano nito ay ang beauty queen na si Sharifa Akeel, 22 taong gulang.

“Being a beauty queen po, she should be a good example for everyone lalong lalo na sa sambayanang Pilipino at lalo sa mga kabataan na umi-idolo sa kanya.

“But, what she is doing right now, having an illicit affair with my husband is not a good example at all..

Being a title holder of an international pageant, parang dapat ba…after ‘nung narating mo na nagkaroon ka ng titulo, meron ka na bang karapatan na mang-agaw ng asawa ng iba at manggulo ng buhay, saad pa ni Mylene.

A Whirlwind Journey from National to International for Sharifa Akeel ...

Ayon sa kanya, inamin mismo sa kanya ni Sharifa ang tungkol sa relasyon nito sa kanyang asawa. Ang mas malala pa umano ay nang magbato ng mga insulto sa kanya si Sharifa kung bakit hindi umano ito maiwan-iwan ng asawa ni Mylene.

Sa programa, mayroong dalang mga ebidensya si Mylene na magpapatunay umano sa totoong ugali ng beauty queen. Ang alam niya umano ay noong nakaraang taon pa nagsimula ang relasyon ng kanyang asawa at ni Sharifa.

Nasa Maynila ngayon si Mylene habang ang kanyang asawa at mga anak ay nasa Mindanao. Kasama rin ngayon ng kanyang asawa ang kalaguyo umano nito na si Sharifa.

sharifaakeel hashtag on Twitter

Ang akin po ay para mapahinto siya sa pagsali sa mga pageant na ito dahil questionable na po ang kanyang dignidad bilang isang babae at wala na po siyang karapatan i-reperesenta ang Pilipinas sa kahit anuman pong pageant na dinadala po ang pangalan ng Pilipinas, dagdag pa ni Mylene.

Tinanong naman ni Tulfo si Mylene tungkol sa kultura ng mga Muslim kung saan pwedeng mag-asawa ang isang lalaking Muslim ng hanggang apat na beses kaya baka pakasalan lamang daw umano ni Cong. Mangudadato si Sharifa.

Panoorin ang buong video dito:

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here