Home Entertainment Panoorin: John Regala nagsalita na matapos itigil ng ilang artista ang pagpapadala...

Panoorin: John Regala nagsalita na matapos itigil ng ilang artista ang pagpapadala ng tulong sa kanya

288
0

Nagsalita na ang aktor na si John Regala, 55, ilang araw matapos mapabalita na may ilang artista nag nag desisyon na itigil na ang pagpapadala ng tulong sa kanya.

Noong Agosto 17 ay inansyo nila Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus at Aster Amoyo na ititigil na nila ang pagtulong kay Regala dahil sa hindi ito sumusunod sa kanilang payo at pinilit na mag ‘self-medication’ nalang sa bahay.

“It is with deep sadness that our group has come to the decision to formally end our involvement in helping john with his medical treatment, care, and recovery,” saad nila.

“As much as it is our desire to see this through, these unfortunate circumstances and regretful turn of events have made it impossible for us to continue,” dagdag pa nila.

Nag live naman si John Regala sa kanyang social media account upang ipaliwanag ang kanyang panig.

Ayon sa kanya, natatakot siya na magtagal sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) dahil sa hindi nito alam kung saan siya kukuha ng pambayad sa kanyang medikasyon sa mga susunod na araw.

Todo pasalamat parin naman si Regala sa tulong na kanyang natanggap at sinabing hindi niya ito makakalimutan.

“Oras po ng aking pangangailangan. I’m so troubled. Ako’y nahihiya dahil mas mabuti yung tumutulong kesa kayo ang tinutulungan. Ngunit pasensya na po kayo,” ani Regala.

“Ang inyo pong tulong ay nandito po sa aking puso na kahit saan po ako mapunta,” dagdag pa niya.

Maayos naman ang lagay ni Regala na nagpapahinga na ngayon sa kanyang bahay.

Ayon naman sa kay Amoyo, nag desisyon si Regala na magdesisyon na para sa kanyang sarili matapos itong lumabas sa ospital.

“Ngayong nakalabas na ng pagamutan si John, wala kaming assurance sa kanyang tuluyang paggaling dahil may sarili itong agenda sa kanyang sarili,” ani Amoyo.

“Like what we have already said, we can only do so much,” dagdag pa nito.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here