Home News National Panoorin: Meralco di dapat maningil ng bill sa kuryente ngayong Mayo

Panoorin: Meralco di dapat maningil ng bill sa kuryente ngayong Mayo

311
0
SHARE

By virtue of the Bayanihan Act, Meralco can be mandated not to collect bill payments while under ECQ

Loading…

Samantala, pinasusuri ng Senado sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang kwenta nila kaugnay sa biglaang pagtaas ng singil ng Manila Electric Co. (Meralco) ngayong buwan ng Mayo.

Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng committee on energy, na pinadalhan na nila ng abiso ang ERC para tingnan ang computation dahil mayroong instruction kung paano ang tamang pag-compute sa billing  na ibinibigay ng Meralco at sa lahat ng electric utilities cooperatives sa buong bansa.

Paliwanag ni Gatcha­lian, ang nangyari ngayon buwan  sa billing ng Marso, Abril at Mayo ay ini-average lang ng Meralco ang singil kaya nagulat ang mga tao at nagreklamo.

Kaya agad umano silang nakipag-ugnayan sa ERC para magkaroon ng fact-finding sa nasabing sitwasyon at para masiguro rin na walang labis ang paniningil ng nasabing kumpanya.

Sinabi naman ni Senador Grace Poe, chairman ng committee on pubic services na hindi muna dapat maningil ang Meralco sa kanilang mga consumers hanggang hindi pa eksakto ang billing.

Comments

comments

Loading...

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here