Home News National Panoorin: Pag-amin ni FLM habang nasa kulungan, nagviral sa social media

Panoorin: Pag-amin ni FLM habang nasa kulungan, nagviral sa social media

829
0
SHARE

Sa video makikita, Inamin ni Francis Leo Marcos o FLM ang ang pangalan na gamit niya noon ay Norman Mangusin. Ang pag amin niya ay ginawa sa harap ng mga awtoridad habang nasa loob ng kulungan.

Sa pag iimbestiga ng mga NBI, inamin niya na mula ng pinanganak siya hanggang mag grade 5 ay gamit niya ang pangalang Norman Mangusin. Lumaki din umano siya na ang pangalan ng kanyang ama ay Gilbert Mangusin. Kaya naman hindi niya maitanggi na siya rin si Norman Mangusin tulad ng sinasabi ng mga kalaban niya.

Viral! Video Ng Pag-amin Ni FLM Habang Nasa Loob Ng Kulungan, Kumakalat Sa Social Media 2

Aniya, “Ang hindi ko lang talaga maintindihan sir kase yung Norman Mangusin hanggang grade 5 ako gamit ko po yan. Gamit ko talaga, kaya di ko ma deny. Talagang lumaki ako tatay ko si Gilbert Mangusin,”

Ngunit depensa niya, nang tumuntong siya ng edad 17, ang mismong ina niya ang nagpalit ng kanyang pangalan kung kaya siya ay naging si Francis Leo Marcos. Matatandaan na sinabi ni FLM sa awtoridad noon na ang kanyang ina ang dapat tanungin kung bakit siya napalitan ng pangalan.

“Pero nung 17 na ‘ko eh nanay ko naman ang nagpalit ng pangalan ko, hindi naman ako eh, kaya ang hirap i deny sir” ani FLM.

Loading…

Subalit ang kasikatan niya ay nabahiran ng kontrobersiya na arestuhin siya ng NBI dahil sa kasong paglabag sa Optometry Law na isinampa ng samahan ng mga Optometrist sa Baguio City laban sa kanya. Ayon sa ulat, namahagi si Marcos sa publiko ng mga salamin sa mata ng walang kaukulang permit.

Viral! Video Ng Pag-amin Ni FLM Habang Nasa Loob Ng Kulungan, Kumakalat Sa Social Media 3

Habang lumilipas ang ang mga araw padami ng padami ang reklamong nagsusulputan laban sa kanya. Kabilang na dito ang panggagasaha, qualified human trafficking, pagpapakalat ng fake news at marami pa iba. Ayon sa NBI, sa bigat ng kasong kanyang kinakaharap, malabo pa umano itong makalaya.

Video source: Julius Beljera

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here