Home News National PANOORIN: PAGSASAMPA NG PATUNG-PATONG NA KASO VS. MORALES, ET AL. APRUB NA...

PANOORIN: PAGSASAMPA NG PATUNG-PATONG NA KASO VS. MORALES, ET AL. APRUB NA KAY PANGULONG DUTERTE

26
0

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekumendasyon ng task force na sampahan ng kasong kriminal at administratibo sina dating PhilHealth President Ricardo Morales at ilan pang mga opisyal ng ahensiya dahil sa anomalyang kinasangkutan nito.

Mismong si Pangulong Duterte na ang nagbasa ng rekumendasyon ng task force na tumututok sa kontrobersiyang kinaharap ng PhilHealth.

Ayon sa pangulo, wala siyang magagawa kun’di ay hayaan na lamang na gumulong ang batas, at harapin ng mga sangkot ang kaso sa korte.

Bukod kay Morales, kabilang sa mga pinakakasuhan sina Senior Vice President Jovita Aragona, Officer-In-Charge Calixto Gabuya Junior, SVP Limsiaco Jr., Svp Israel Pargas, Chief Operating Officer Arnel De Jesus,  at Division Chief Bobby Crisostomo.

Matatandaang sina Morales, De Jesus, Limsiaco at Pargas din ang mga inirekumenda ng senado na masampahan ng kaso dahil sa mga iregularidad sa PhilHealth kung saan ibinulsa umano ng mga opisyal ng ahensiya ang nasa P15-bilyon sa pamamagitan ng iba’t-ibang fraudulent schemes.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here