Home Entertainment Panoorin: Super Tekla, emosyonal na nagbalik at muling nakausap si Kuya Wil...

Panoorin: Super Tekla, emosyonal na nagbalik at muling nakausap si Kuya Wil sa ‘Wowowin’

204
0
SHARE

Emosyonal na muling nagkaharap at nagkausap sina Super Tekla at Kuya Willie Revillame sa muling pagbabalik ng komedyante sa “Wowowin.”

“Hi kuya, na-miss kita. Hello po sa mga naka-Tutok To Win and oh my God, it’s nice to be back,” paghahayag ni Tekla sa muli niyang pagtapak sa programa.

“Noong una naging matigas pa ‘yung puso ko sabi ko ‘Hindi, kaya ko ito, mareresolba ko ito,’ naging matigas talaga siya, ayaw kong sumurrender sa Kaniya,” sabi ni Tekla kay Kuya Wil.

“And then nu’ng na-realize ko na wala na talaga akong choice, doon na nag-breakdown na ako, sinurrender ko na lahat… ‘Yung time na walang wala ka nang magagawa you have to surrender everything, sabi ko ‘Tulungan mo ako, sino ang tao na makakatulong sa akin?'” dagdag ng komedyante.

Humingi raw si Tekla ng sign para makita niya ang mga tao na makakatulong sa kaniya.

Sabi ni Tekla, “Honestly kuya, nag-sink sa mind ko, ikaw. Pero nanaig ako ng hiya at saka hindi ko alam kung paano kita lalapitan.”

Dahil sa nahihiya, si Donita na lang daw ang nilapitan ni Tekla para ipaabot kay Kuya Wil ang paghingi niya ng tulong.

“Gusto kong i-portray ‘yung pagiging ako Kuya, pagiging comedian pero ang hirap pala. Sobrang hindi mo mailabas ‘yung tunay na ikaw ‘pag nararamdaman mo na ‘yung ganu’ng kabigat na situation,” sabi ni Tekla.

“Alam mo Kuya, nag-aalangan ako, pero nanaig pa rin sa akin na sabi ko, ‘Hindi, tutulungan ako ni Kuya Wil,'” ayon pa sa komedyante.

Saksi raw si Tekla sa sinserong pagtulong ni Kuya Willie sa mga tao.

“Pantay pantay lang sa ngayon eh Kuya Wil. Ako hindi ko inano ‘yung sarili ko na artista, lahat tayo sa krisis na pinagdadaanan natin, we’re all the same. Honestly, sobrang hirap talaga. Kaya sabi ko, imposibleng hindi ako tutulungan ni Kuya,” sabi ni Tekla.

Muli namang nilinaw ni Kuya Wil na hindi niya tinanggal si Tekla sa programa.

“There was a time bina-bash niyo ako pero hindi ako nagsasalita, hindi ako kumikibo. ‘Ganiyan naman si Willie ‘pag ayaw na niya ‘yung co-host iniiwan na niyan, inaalis na.’ Wala po akong tinanggal na co-host na kasalanan ko,” sabi ng Wowowin host.

Muli ring ipinaliwanag ni Kuya Wil na natutulog si Tekla noong taping nila at hindi na nagpakita nang hanapin nila. Hanggang sa magpaalam na nang hindi pormal si Tekla sa Facebook.

“Siyempre dumating din ako sa point na, may mga desisyon tayo sa buhay na, I admit that Kuya na may mga pasya tayo sa buhay na akala natin tama. ‘Yun pala, hindi pero may kaakibat ding leksyon at aral sa mga pasya mo minsan na mali,” sabi ni Tekla.

“Pinanghihinayangan ko rin naman. And of course, never din akong nagtanim ng galit,” ayon pa kay Tekla, na sinabing gusto niya na i-explore pa o mag-level up sa sarili niya.

“I know, alam ng tao ‘yan na kung wala ang Wowowin, walang Tekla ngayon, and for that, tinatanaw o ng utang na loob yan kahit saan ako makarating,” sabi ni Tekla.

“Gusto ko lahat kayo umasenso sa pamamaraan na gusto niyong gawin, pero wala kang nadinig sa akin even a single word… Lagi ko naman kayong iniintindi eh,” sabi ni Kuya Wil kay Tekla.

“Ang importante ‘yung pagpapakumbaba eh. Nandito ka na, you’re back, at siyempre, welcome back Tekla,” muling pag-welcome ni Kuya Wil kay Tekla.

Humingi ng tulong si Tekla kay kuya Wil para maipagamot ang anak na si Angelo na may birth defect na anorectal malformation o walang butas ang puwet.

“Huwag kang mag-alala, tutulungan kita. Ipagdasal mo na sana lumaban ‘yung bata. Ganu’n talaga ‘yan, nangyayari ‘yan siguro para aral sa atin, baka masyado nang umaangat ang mga paa natin sa lupa, huwag kang mag-alala makakaraos ‘yan,” mensahe ni Kuya Wil kay Tekla.

Source: GMA

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here