Home News National PANOORIN: Video ng pamamaril sa PCSO exec

PANOORIN: Video ng pamamaril sa PCSO exec

43
0
SHARE

Pinakita ng Mandaluyong City Police ang aktuwal na video kung saan makikita ang pagpaslang kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Secretary Atty. Wesley Barayuga sa Brgy. Highway Hills nitong Huwebes ng hapon.

Sa nasabing video, nasilayan kung papaanong nagpaputok ang isang lalaki sakay ang motorsiklo sa bintana ng sasakyan ni Barayuga, kung saan inuna ang sa passenger seat bago ang sa upuan ng driver bodyguard nitong si Salvador Gunao.

Ayon sa pulisya, posible umanong dahil sa trabaho kaya pinatay si Barayuga, na hinala ng mga imbestigador ay posibleng isang operator na hindi nabigyan ng prangkisa.

Sa ngayon ay nakatutok ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para mabulatlat ang pagpaslang kay Barayuga.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here