Home Entertainment PANOORIN: Wendell Ramos, sumabak sa unang duty bilang bumbero

PANOORIN: Wendell Ramos, sumabak sa unang duty bilang bumbero

213
0
SHARE

“Mixed emotions” kung ilarawan ni Wendell Ramos ang unang sabak niya bilang volunteer firefighter.

Sa ulat ng DZBB, isa ang Kapuso actor sa mga rumesponde sa sunog sa Valenzuela City kahapon, Hulyo 2.

Nito lang Sabado nang matapos niya ang training sa non-government organization na Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP).

Ibinahagi rin ni Ramos ang ilang litrato ng una niyang duty sa kanyang Instagram page.

“Felt sorry for the people and the community we responded today. First day of duty as a volunteer firefighter.. Mixed emotions. But I am thankful for the guidance of my fellow,” saad niya sa caption.

Sa panayam naman ng “24 Oras”, ikinuwento ni Ramos na pangarap niya na noong bata pa na maging public servant tulad ng pulis at militar.

Ito rin umano ang naisip niyang paraan para magbigay-tulong sa publiko lalo na sa gitna ng krisis ngayong may pandemya.

“To be honest, nung panahon nung (ECQ) ng pandemic, ‘di ako nakalabas. Sabi ko sa wife ko, meron akong ipon, meron akong tabi, hindi ko lahat maibigay. Ano pa ang pwede kong maibigay to give back, na kahit papaano nung mga times ng pandemic, nakakain ako nang maayos,” aniya.

“Hindi ako perfect, pero I think tama yung ginagawa ko sa buhay ko. Ang privilege na pagiging volunteer ay nagte-‘thank you’ ang tao sa‘yo at nakatulong ka sa kanila,” dagdag niya

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here