Home News Paredes, Dismayado sa balak ni Pangulong Duterte sa VFA

Paredes, Dismayado sa balak ni Pangulong Duterte sa VFA

153
0
SHARE

Isa sa kontrobersiyal na kritiko ng Pangulo na mang-aawit na si Jim Paredes ang kanyang pagkadismaya sa banta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos kung hindi iaayos ng Amerika ang usapin patungkol sa kinanselang US visa ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

“I warning you this is the first time, pag hindi ninyo ginawa ang correction diyan, one, I will terminate the bases visiting forces agreement. Tapusin ko yang p*tang i*na. I am giving notice and they begin to count. I am giving government and the American government one month from now,” resbak ni Pangulong Duterte.

Loading…

Magugunita na kinumpirma ni Senador Bato na kinansela daw ng Amerika ang kanyang visa. Ayon sa ilang ulat, ilan sa mga posibleng rason ay pagiging bahagi ni Senador Bato sa kampanya kontra-droga ng Duterte Administration.

Sa kanyang social media account, tinanong ni Paredes ang kanyang mga tagasubaybay kung nasa tamng pag-iisip pa ba si Pangulong Duterte.

“Will anyone die for Bato? Speak now. What sane leader would risk the stability and standing of his country because Bato’s US Visa was taken away?” boladas ni Paredes.

Ayon kay Paredes, isang napakadelikadong kabobohan daw ang hakbang na ito ni Pangulong Duterte na kanselahin ang VFA.

“Most of our military junior officers were trained by the US. Our weapons too. Our strategic alliance wd the US is part of our national defense. To just suddenly end it cuz of one man’s visa problem is not well thought out and frankly, dangerously stupd” patutsada pa ni Paredes.

Source: Jim Paredes

Comments

comments

Loading...

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here