Home News National PNP, gagamit ng search warrant laban kay Erwin Tulfo, kung hindi isusuko...

PNP, gagamit ng search warrant laban kay Erwin Tulfo, kung hindi isusuko ang mga baril

279
0
SHARE

Posibleng gawing subject ng search warrant si Erwin Tulfo kung hindi niya isusuko ang kanyang mga baril.

Ito ang babala ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Col. Bernard Banac matapos na ipag-utos ng Firearms and Explosives Office na i-surrender ni Tulfo sa PNP ang kanyang mga baril para sa pansamantalang pag-iingat.

Ayon kay Banac, may ipinadala nang sulat kahapon ang FEO kay Tulfo at may kaukulang taning na binibigay dito para i-surrender ni Tulfo ang kanyang mga baril.

Paliwanag ni Banac, paso na kasi ang License to Own and Posses Firearms ni Tulfo, kaya kahit lisensyado ang kanyang mga baril, ay wala siyang awtorisasyon na ingatan ang mga ito.

Maari naman daw i-renew ni Tulfo ang kanyang LTOPF, pero pagkatapos na ng election gun ban sa June 12.

Sinabi ni Banac na makabubuti na isuko na ni Tulfo ang kanyang mga baril sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o kaya direkta na sa FEO sa Camp Crame, para sila ang pansamantalang magtago nito.  

Source: Radyo Pilipinas

Comments

comments

Loading...

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here