Home News National Sharon tinawag ang mga DDS Trolls na ” kampon ni Satanas”

Sharon tinawag ang mga DDS Trolls na ” kampon ni Satanas”

552
0
SHARE

Binuwetahan ni Sharon Cuneta, 54, ang trolls na hindi siya tinatantanan sa social media.

Hiniritan ni Sharon ang mga troll na aniya ay “bising-busy sa paninira sa akin ngayon” sa kanyang Instagram, Twitter, Facebook, at YouTube accounts.

Tinatawag daw siyang “laos, wala nang saysay,” at kung anu-ano pang mga panlalait.

Ang trolls ay kilalang nagpo-provoke o nambubuyo ng netizens para magkaroon ng mga away online gamit ang masasakit na salita.

Sinasabing ang mga trolls ay bayaran.

“Nagkakaisa silang sirain ang pangalan ko,” ani Sharon sa kanyang two-part Instagram post kahapon, July 8.

“Saan ba nagsimula lahat ng kaguluhang ito? Hindi po ba sa kanila din?

“Pinagtatanggol ang kasamaan at pambababoy ng isang kasapi ng kulto nila.”

Ang tinutukoy ni Sharon ay ang bantang rape ng isang netizen kay Frankie Pangilinan, 19, panganay na anak nila ni Senator Kiko Pangilinan.

Ang “kulto” namang sinasabi ni Sharon ay ang DDS o Die-Hard Duterte supporters.

sharon frankie

June 20, 2020, pinangalanan ni Sharon ang isang netizen at umano’y isang DDS—si Sonny Alcos—na nagbanta ng rape kay Frankie.

Sa madaling salita, sinasabi ni Sharon na pinagkakaisahan siya ngayon ng DDS matapos niyang magpakawala ng galit laban sa kasamahan nilang si Alcos.

Ayon pa kay Sharon, ang iba niyang posts sa kasagsagan ng galit—na para sa ibang tao—ay binabaligtad ng trolls at ginagamit laban sa kanya.

Tanong daw ni Sharon sa sarili, bakit siya pinag-aaksayahan ng panahon ng trolls kung sinasabi nilang laos na siya?

“Eh laos na laos na po ako. Wala na dapat akong importansya!

“Wala na dapat meaning o atensyon ang anumang lumabas sa bibig ko kasi wala na akong relevance di ba yan ang sabi nyo?

“So bakit binibigyan niyo ako ng 100% na atensyon at lahaaaaat ng posts nyo nitong mga araw na ito ay paninira lang sa akin?

“Eh laos at wala na akong saysay di ba?” birada ni Sharon.

SHARON: NGAYON LANG AKO NAGALIT NANG GANITO

Pagtatanggol ng aktres sa sarili, sa apat na dekada niya bilang public figure ay naging open book ang buhay niya at wala siyang itinago.

“Napakahirap naman magpakaplastik at panindigan ang kaplastikan ng apat na dekada!” katwiran ni Sharon.

Matapang pang banat ng Megastar, naglipana raw ang mga trolls noon lamang 2016, pagkatapos maluklok sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Ngayon lang nga ako nagalit nang ganito.

“Kasi ngayon lang mula nung naging Pangulo si Pres. Duterte kayo nauso at nauso ang mga masasagwa at di masikmurang mga salita ninyo sa kapwa.

“Parang wala nga kayong Diyos. Mga kampon yata kayo ni satanas eh. Walang takot.

“Nakakahiya. Yuck!”

Hindi rin pinalampas si Sharon ang paratang sa kanyang hindi siya disente.

“Kita naman kung sino ang may katwiran lumaban at kung sino ang…wala lang…bastos at walang urbanidad lang,” sagot ng host/actress/singer.

“Naku please 2016 lang kayo nagsimula. Ako 1978 pa,” sabi ni Sharon para idiing matagal na siya sa showbiz.

Maanghang ang sumunod na mga salitang pinakalawan ni Sharon laban sa mga troll.

“Mas masahol pa kayo sa COVID19. Dahil makakahanap din ng vaccine para dyan at may gumagaling naman na marami-rami rin kahit paano at wala pang gamot.

“Eh kayo? Wala po kayong gamot. Awww…kawawa naman kayo.

“May sakit na sa kaluluwa na buhay pa kayo, baka sinusunog na, wala na nga kayong puso, may incurable lason pa kayo sa utak

Source: PEP.ph

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here