Home News National Suspected Coronavirus Cases sa Pinas,umabot na sa 11 – DOH

Suspected Coronavirus Cases sa Pinas,umabot na sa 11 – DOH

444
0
SHARE

Ayon sa HEALTH Secretary Francisco Duque III na ang kumumpirma na mayroon nang 10 hanggang 11 na katao ang isinasailim sa imbestigasyon dahil sa suspected 2019 novel coronavirus (2019-nCoV) case.

“Sa ngayon, mayroon tayong mga sampu, labing-isa [na suspected cases] but for verification pa rin. Yung tinatawag nating ‘person under investigation’,” sabi ni Duque.

Nilinaw naman ng DOH Secretary na idadaan pa sa confirmatory tests ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang mga naturang mga tao.

“Sa kasalukuyan, yung kanilang pagsusuri ng kanilang mga throat swab… sa lalamunan yung plema. Kinukunan ng sample ‘yan tapos dinadala sa RITM… Sila ang may kakayahan na kilalanin or tukuyin kung ang kaso na ito ay katulad sa Wuhan, China… We have no confirmed case of novel coronavirus. The latest confirmatory test results yielded a negative for the 5-year old Chinese, who at the moment is still in one of the facilities in Cebu City ,” dagdag ni Duque.

Loading…

Ang ilan sa mga pasyente umano ay matatagpuan sa Metro Manila, Mimaropa, Northern Mindanao, and Western, Eastern and Central Visayas. Ang ilan din sa mga ito ay Amerikano, Tsino at Brazilian nationals.

Sa China naman ay umabot na sa 80 ang nasasawi dahil sa sakit at mayoon na rin higit 2,300 kumpirmadong kaso. Umabot na ang sakit sa ibayong dagat. Ilan sa mga bansang natuloy na mayroon ng new coronavirus ay Thailand, Singapore, France, South Korea, Japan, Vietnam, Nepal, Taiwan at United States. Sa ngayon ay nagpatupad na ng travel ban ang Wuhan City sa China upang hindi na lumagnap pa ang sakit.

Ang Wuhan ay ang lugar na pinaniniwalaan nagsimula ang bagong uri ng coronavirus. May lugar sa WUhan na nagbebenta ng mga exotic wildlife para gawing putahe. Ilan sa mga wildlife na ito ay paniki at ahas. Ayon sa ilang pagsusuri, nahahawig ang strain na nakita sa 2019 novel coronavirus (2019-nCoV) sa mga paniki.

Source: ABS-CBN Inquirer | Manila Times

Comments

comments

Loading...

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here