Home News National Tingnan: Dalagita Nangingisay dahil halos di na raw lumabas ng kwarto kaka-cellphone

Tingnan: Dalagita Nangingisay dahil halos di na raw lumabas ng kwarto kaka-cellphone

749
0
SHARE

Karamihang kabataan babad sa gadget lalo na ngayong nagkaroon ang bansa ng pandemia ng coronavirus.

Kumakalat ang post patungkol sa kapatid ng netizen na si Sarena Singian na sinasabi niyang nagbababad talaga sa cellphone.

Ayon sa post ni Sarena, di na raw lumalabas ng bahay minsan pa ay kwarto niya mismo ang kanyang kapatid at wala na lang daw itong ginawa kundi ang mag-cellphone.

Nalilipasan din daw ito ng gutom minsan at halos di na talga bitawan ang kanyang gadge, umaga hanggang gabi. Isang umaga, ginising ang dalagita ng ina.

Loading…

Nakabili pa raw ito nang bigas bago sabihing siya ay nahihilo. Sinabi pa raw ng kanilang ina na uminom na lang ng tubig para maibsan ang hilo ngunit bigla na lamang daw ito pumunta sa CR at nagsuka.

Nakapagsaing pa raw ito at nakakaiin ngunit sa isang iglap lang bigla na itong nanigay at bumabaluktot ang mga daliri sa kamay.

Di na raw ito makagalaw at makatayo manlang. Tumirik na rin daw ang mga mata nito.

Sinugod na sa ospital ang dalagita at doon nakumpirma na nag-seizure nga ang dalagita sanhi ng labis na paggamit ng cellphone.

Maaalalang di ito ang unang beses na may naiulat patungkol sa nag-seizure bunsod ng sobrang paggamit ng mga gadgets.

Kadalasan pa ay mga bata edad na 7-12 ang unang naibalita na nakaranas ng focal seizure kung tawagin.

Magsilbi raw sana itong babala sa mga magulang na bigyan lamang ng oras ang paggamit ng cellphone at iba pang gadgets ang kanilang mga anak.

Noon pa man, sadyang ang labis ay nakasasama kay mainam na maagapan at huwag na nating hintayin na mangyari pa ito mismo sa atin.

Source: Facebook, Kami.ph

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here