Home News Tingnan: Sharon Cuneta umiyak dahil Napuno na sa mga Bastos at walang...

Tingnan: Sharon Cuneta umiyak dahil Napuno na sa mga Bastos at walang Respetong mga Bashers

578
0
SHARE

Sharon Cuneta, naglabas ng saloobin sa social media dahil sa ibat-ibang kumento patungkol sa kanyang anak na si Frankie.

Nasasaktan na si Sharon dahil sumosobra na raw ang mga basher, ito daw ay mga bastos, mapang-insulto at maakusasyon dahil sa kanilang paniniwala ay ibat-ibang opinion.

Ayon kay Megastar, nasasaktan syang makita ang kanyang asawa na si Senator Kiko Pangilinan at ang kanyang mga anak ng bina-bashed online.

Nakaraang linggo, ang anak ni Megastar na si Frankie Pangilinan ay nakatanggap ng threats online matapos batikusin ng kanyang anak ang mga babaeng nare-rape dahil sa maikling kasuotan.

Philippine 'Megastar' Sharon Cuneta vows revenge against troll for ...

Ito ang post ng Megastar sa kanyang Social Media Account

“I still cannot understand how many can hurt others like it is nothing to them, even when those they hurt couldn’t even THINK of hurting other people for no reason except to do so. Where is my countrymen’s moral compass? Kay tatapang na nating magbitiw ng di lang masasakit kundi di malunok na mga salitang parang hindi tayo magkakababayan. “

“Masyado nang tinotolerate, kundi man ine-encourage – at karamihan ay binabayaran pa para manira ng kapwa. Sa showbiz kung saan lumaki ako, sanay kami sa intriga. At alam namin kung sino ang nang-iintriga sa amin. Sanay kaming humaharap sa isa’t-isa sa interviews at sa sagutan hanggang magkalinawan. Ngayon, anumang bukambibig ko, ng sinoman sa mga anak kong may kanya-kanya namang isip, ay pipilipitin at ididikit sa anumang ginagawa o sinasabi ng kanilang ama sa pagiging politiko niya. Damay kami kahit may iba’t-iba naman kaming issue. At ang baluktot, pilit itinutuwid.”

“Ganyan na pala tayo kababa ngayon bilang mga Pinoy. Di lang pala chismis. Nakakapagod na rin ang may kaibigan sa isang panig, habang ang sarili mong dugo at laman ay nabababoy at nasasaktan ng wala namang proteksyon mula sa kaibigan kahit mahal ka pa. Panahon na sigurong iuntog ang ulo ko sa pader. Para pag nakikita ko ang sakit sa mga mata ng mga anak ko kapag may masasakit na naririnig at nababasa, hindi na ako kailangan bumalanse sa pagiging kaibigan at INA. Dahil natural lang naman na ang pagiging INA ANG MAS HAMAK NA MAHALAGA… Napakasakit ng pinagdaraanan namin ngayon. Kaya nga ako nag-asawa kasi matinong tao si Kiko, at gusto ko tumahimik na ng paunti-unti ang buhay ko.”

“Lalo lang palang gugulo. Mas naaappreciate ko ang Showbiz ngayon…pagmamahal at intriga lang ang haharapin mo; madaling ayusin ang intriga, libre at napakasarap ng minamahal ka ng walang panig panig tulad ng politika. Bahala na ang Diyos sa amin. Siya naman ang may control sa lahat. Huwag natin bolahin ang ating sarili na tao ang may control sa lahat. Bukas puede magunaw ang mundo kung nanaisin ng Diyos. Dapat ang kaluluwa mo ang sure na ihanda mo. Ganon lang po. God bless us all.”- saad ng Megastar

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here