Home News National Vice Ganda pumalag sa pahayag ni Sen. Sotto hinggil sa pagiging babae

Vice Ganda pumalag sa pahayag ni Sen. Sotto hinggil sa pagiging babae

223
0
SHARE

Pumalag ang komedyanteng si Vice Ganda sa naging pahayag ni Senate President Tito Sotto na kailanman ay hindi magiging babae ang isang lalaki.

Mababatid na sinabi ni Sotto na anuman ang gawin ng lalaki ay hindi ito magkakaroon ng obaryo at hindi rin magbubuntis o manganganak.

Giit ni Vice Ganda, para sa kanya, ang pagiging babae ay hindi masusukat sa pagkakaroon ng obaryo at kakahayang magka-anak.

Paliwanag ng komedyante, may mga babaeng may kondisyon na hindi kayang manganak, at ang iba naman ay tinanggalan ng obaryo dahil sa sakit.

Dito ay kwinestyon niya ang senador kung hindi na ba matatawag na babae ang mga ito.

Loading…

Binigyang diin ni Vice na naniniwala siyang ang pagiging babae ay hindi dapat ibase sa kung anuman ang nabanggit ng senador.

Bwelta pa niya, sa pagmamaliit ni Sotto sa konsepto ng pagiging transgender ay hindi nito napansin na ang dignidad na ng totoong babae ang kanyang naapakan.

Humingi ng tawad si Vice Ganda kay Sotto at iginiit na sa kanyang palagay ay hindi kasi patas ang pahayag nito.

Comments

comments

Loading...

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here