Home News National (Video) Dahil sa COVID19, 18 OFW sapilitang pinalayas sa tinitirhan dulot umano...

(Video) Dahil sa COVID19, 18 OFW sapilitang pinalayas sa tinitirhan dulot umano nagsara ang kumpanya

5842
0
SHARE

Magandang umaga po sa lahat ng kabayan namin dito sa saudi at sa mga kinauukulan, nawa po ay matulungan nyo kami sa dinanas namin na pang-aabuso na inabot namin sa mga employer namin dito sa Riyadh KSA.

Pinalayas po kami sa tinitirhan namin na accommodation sa pinagttrabahuhan naming restaurant dahil nagsara ito dulot ng lockdown at covid19.

Ilang ulit nadin po kaming tumatawag sa aming mga agency dito sa saudi ang aming employer na Mueen recruitment company at Saudi Rasil Company

Loading…

Labing walo (18) po kaming pinoy na nandito sa kalsada ng exit 32 at kasalukuyang walang matutuluyan habang umiiral ang curfew sa buong saudi.

Hindi po namin alam kung ano po ang kahihinatnan nang aming grupo nawa po ay matulungan nyo kami, nananawagan po kami sa @PoloRiyadh at @PhilippineEmbassyRiyadh at sa amin pong agency sa Pilipinas Staffhouse International Resources na kami po ay matulungan

Eto po ang video kung saan pinagtatapon ng aming HR sa dati naming restaurant ang aming mga gamit at pilit kaming pinapababa umabot pa ito nang maka-ilang ulit na sinaktan at sinakal ang ilan sa aking kasama kaya po kamo ay napilitan na bumaba upang hindi na mas lumaki pa ang gulo..

Muli po sampu ang aking mga kasamahan nawa po kami ay inyong matulungan

Courtesy of Mark Jason Blancaflor 📹

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here