Home News VIRAL VIDEO: Babae nanakit ng traffic enforcers, nagbibisikleta sa Makati

VIRAL VIDEO: Babae nanakit ng traffic enforcers, nagbibisikleta sa Makati

181
0
SHARE

Nag-viral sa social media ang isang babae matapos makuhanan ng video na nanakit ng mga traffic enforcer sa Jupiter Street, Makati City.

Kuwento ni Jayson Boongaling na siyang kumuha ng video, nanggulo na lang umano bigla ang babae. 

Umiinom umano ng buko ang babae at biglang pumunta sa intersection. 

Nang pinaalis siya ng traffic enforcer, doon niya sinaktan at pinagpapalo ang mga enforcer. Sinaktan din ng babae ang isang napadaang biker at nagkasugat ito sa leeg.

Pinahinto rin ng babae ang mga dumadaang sasakyan at inupuan ang hood ng isang kotse.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here