Home News Basahin: Mga OFW gamitin para ibangon ang ekonomiya – Imee Marcos

Basahin: Mga OFW gamitin para ibangon ang ekonomiya – Imee Marcos

349
0

Dapat gamitin ng gobyerno ang natutunang galing ng mga overseas Filipino workers (OFWs) upang maging mas epektibo ang mga planong pagsagip sa ekonomiya ng bansa mula sa pandemya ng Covid-19, ayon kay Senadora Imee Marcos.

Sabi ng senadora, dapat umpisahan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pag-imbentaryo ng mga kakayanan ng mga OFW para malaman kung saan sila maaring gamitin ng gobyerno.

“Ang kaalaman, kasanayan, at masinop na pagtrabaho na natutunan ng ating mga OFW ay makabubuti sa sistema ng gobyerno at sa pag-unlad ng mga kanayunan kung saan sila nagsibalikan,” sabi ni Marcos.

“Ang mga seaman sanay maging lider ng taga-ibang bansa, mga construction worker alam na ang mga bagong paraan ng pagtayo ng mga gusali, mga health worker pamilyar na sa latest na pananaliksik at teknolohiya sa larangan ng medisina, mga master electrician may bagong kaalaman sa fire prevention, mga urban planner matalas ang kamalayan sa epekto ng kanilang mga disenyo sa kapaligiran,” dagdag nito.

Dahil sa inaasahang pagdami ng mawawalan ng trabaho dahil sa COVID-19, kinakailangan umano palawakin ng gobyerno ang mga programa sa paggawa ng trabaho dahil ang kasiguruhan sa sweldo at ang patuloy na paggastos ang magpapanatili sa takbo ng ekonomiya.

“Ilang dekada nang nakakaahon sa krisis ang ekonomiya ng bansa dahil sa mga remittance ng mga OFW. Ito ang tamang panahon upang ipakita ng gobyerno ang pasasalamat sa mga OFW,” ayon sa senadora.

Source: Abante

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here