Home News Isang OFW mas pinili pang nagpakamatay dahil sa matinding depression ayon sa...

Isang OFW mas pinili pang nagpakamatay dahil sa matinding depression ayon sa kapwa OFW na gusto na rin makauwi dahil sa takot mahawaan sakit na COVID-19

376
0

Bukod sa kasamahang nahawa, may isa pa sa kanilang kasamahan ang piniling magpakamatay dahil sa matinding depression.

Nanawagan ang ilang mga OFW mula sa Saudi Arabia na makauwi na sa Pilipinas dahil sa takot na mahawaan ng COVID-19 at matulad sa isang kasamahan na mas piniling kitilin ang sariling buhay dahil sa labis na pangamba o depression.

Ang nasabing mga OFW sa Saudi Arabia ay halos 3 buwan ng walang kinikita dahil sa pagkatigil sa kanilang trabaho. Dahil dito wala na raw umano silang kakayahan na magpadala sa umaasang pamilya na kanilang naiwan sa PIlipinas.

Wala naman na raw silang hinihiling sa kumpanya dahil ngayon ang kanila na lamang iniisip ang matulungan sila ng gobyernong maiuwi sa bansa.

Mga OFW Sa Saudi Na 3 Buwang Nawalan Ng Trabaho Gusto Nang Makauwi, Isang Kasamahan Piniling Magpakamatay 2

“Wala naman po kaming hinahabol sa aming kumpanya, bagkos ang nais lang po naming lahat dito ay makauwi kami bago pa mangyari ang isa sa aming kasamahan ang mahawa ng lumalalang pandemya.”

Nasser S Al Hajri, kanilang kumpanya, ay ilang beses na raw nagbigay ng flight schedule noong June 18 at June 29, ngunit ito raw ay hindi pinahihintulutan na makapasok sa Pilipinas.

Sa ngayon, inaasahan nila na sa kanilang panawagan ay makuha nila ang pagtugon ng gobyerno na mabigyan sila ng pagkakataong makauwi na sa bansa.

Sinabi pa nila na tatlong daang workers mula sa kanilang kumpanya na nasa iba’t ibang area ang nabakantehan rin sa trabaho bunsod ng pandemya.

Hindi madali ang sinasapit ng ilang mga kababayan sa ibang bansa dahil sa lubang pangangamba na mahawa ng COVID-19 at maging ang paghihintay nilang makabalik nang muli sa Pilipinas.

Panoorin ang kanilang buong panawagan.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here