Home News National PANOORIN : ANAK AKO NI JOHN REGALA HANDA AKO MAGPA DNA TEST!

PANOORIN : ANAK AKO NI JOHN REGALA HANDA AKO MAGPA DNA TEST!

661
0

Matapos makita ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang ama matapos itong magviral online, ang umano’y anak ni John Regala ay nais makita ng personal ang aktor.

Sa kanyang pakikipanayam sa Pep.ph, si John Santos, 24 years old, ay nagsabing hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makilala si Regala dahil palaging nababalisa ito kung ano ang maaring mangyari at kung makikilala ba siya ng kanyang ama.

Ang tanging katibayan lamang daw niya tungkol sa kanyang pag-angking siya ay anak ni John Regala ay sa pamamagitan ng isang DNA test, na nais niyang gawin.

Sinabi ni John Santos na ang kanyang ina na si Vilma at ang aktor ay nagkakilala sa Tokyo, Japan noong 1994.

Ayaw pa umano ni Regala na kumpirmahin na anak niya ang anak ni Vilma dahil may pagdududa ang aktor.

Sinabi ni John na ang kanyang ina ay nagtatrabaho bilang isang entertainer sa Japan noong nagkakilala sila ni Regala.

Makalipas ang ilang taon, nagpasya ang kanyang ina na dalhin siya sa bahay sa Batangas.

Sinabi niya na hindi niya alam kung sino ang kanyang tunay na ama hanggang sa tumungtong siya sa edad na 15. Ang pagnanais niyang makilala ang kanyang ama ay hindi nawala sakanyang isip. Nagtatrabaho siya ngayon bilang isang driver ng truck.

Bagaman mayroon siyang sama ng loob, inamin ni John na humahanga pa rin siya sa kanyang ama tuwing nakikita niya si Regala sa telebisyon.

Panoorin din ang interview niya kay Raffy Tulfo:

Ano sa tingin niyo? Siya na nga ba ang anak ni John Regala na matagal na niyang hinahanap? Magcomment lamang kayo ng inyong mga opinyon sa ibaba.Facebook Comments

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here