Home News National PANOORIN: PAKIUSAP NI PANGULONG DUTERTE SA MGA SUNDALO AT PULIS

PANOORIN: PAKIUSAP NI PANGULONG DUTERTE SA MGA SUNDALO AT PULIS

551
0

Iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation o NBI na pabilisin ang ginagawang imbestigasyon. Ayon sa tagapagsalita ng Pangulo na si Harry Roque, nais din umano ni Pangulong Duterte na makipagpulong sa siyam na pulis na dawit sa naturang insidente.

Ayon naman kay Defense Chief Delfin Lorenzana, ayaw ni Pangulong Duterte na lumaki pa ang isyu kaya’t panawagan niya sa mga matataas na pinuno ng Army at kapulisan na panatilihin ang kapayapaan sa pagitan ng PNP at Army.

Gumagawa naman ng kanilang sariling imbestigasyon ang PNP-Internal Affairs Service kaugnay ang National Police Commission.

Mga napatay na sundalo

Ang insidenteng ito ng pamamaril ay nangyari nitong Lunes, Hunyo 29, 2020 sa Jolo, Sulu. Kinilala ang mga nasawi sa engkwentro bilang sina Major Marvin Indammog, Captain Irwin Managuelod, Sergeant Jaime Velasco at Corporal Abdal Asula. Lahat sila ay mula sa Army’s 9th Intelligence Service Unit ng 11th Infantry Division.

Dahilan ng mga pulis

Mula sa mga paunang ulat ng Sulu Provincial Police Office, iginiit ng mga nasasangkot na pulis na self-defense ang ginawa nila matapos umano silang unang bunutan at tutukan ng mga baril ng mga sundalo. Ito ay mariin namang pinabulaanan ng Army Chief na si Lieutenant General Gilbert Gapay at sinabing rubout o murder ang ginawa ng mga kapulisan sa kanyang mga sundalo.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here